SusDiosMio!!! Bagong Taon Sinalubong ng Sunog, 6 na Bahay Natupok sa Naga City

Sunog, Sumalubong sa Bagong Taon sa Ilang Pamilya sa Naga City. Umaabot sa anim na mga kabahayan ang natupok sa apoy at 2 iba pa ang nadamay sa sunog na naganap kaninang bandang alas 2 ng madaling araw sa Zone 5, Barangay Igualdad, Naga City.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya at kwento ng mga biktima, isang FELINO BAUTISTA, residente rin ng nasabing lugar, umano ang nagpasimula ng nasabing panununog. Nagkaroon umano ng alitan ang magkapatid na Bautista kung saan sinabi umano ni Felino na susunugin daw nito ang kanilang bahay. Ilang minuto lamang ang nakalipas at nagliyab na ang kanilang bahay at ilang karagdagang minuto pa, lumipat ang apoy sa mga kapitbahay.
Away umano sa kung papaano paghatian ng mga bautista ang kanilang bahay hanggang sa humantong ito sa panununog at pagkadamay ng ilang mga kapitbahay nila. Lasing umano ang suspek at naghahamon pa ito ng away bago naganap ang sunog.
Agad namang nagresponde ang Bureau of Fire Protection ng Naga City subalit mabilis na kumalat ang apoy ay dalawang bahay na lamang ang nailigtas mula sa lubos na pagkatupok.
Hindi na naabutan ng pulisya si Felino Bautista na sinasabing siyang nagpasimula ng apoy dahil sa alitan nilang magkapamilya. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya at patuloy pa ring pinaghahanap ang suspect na si Felino Bautista.

Ilan sa mga pamilyang nasunugan ay ang sumusunod: Edwin Reyes, Manuelito Ason, Ramon Ason, Pahuyo Family, at pamilya ng nagpasimula ng sunog na si Felino Bautista.
Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN!




Facebook Comments