Suspek na gumahasa, pumatay at nanunog pa ng katawan ng biktima sa Pasig City, pinaghahanap na

141

Pasig City – Pinaghahanap pa rin ng pulisya ang mga suspek na gumahasa at pumatay kung saan sinunog pa ang biktimang bank employee sa Pasig City.

Nakilala ang biktima na si Mabel Cama, 22-anyos, residente ng Ortigas avenue extension sa Brgy. Rosario, Pasig City.

Natagpuan ang sunog na katawan ng biktima sa impoun­ding area ng Mega Bus Line malapit lamang sa kanilang bahay.

Bago nalaman ang pagkamatay ni Mabel ay nagtungo pa sa Pasig City Police Station ang tatay nitong Reynaldo at ini-report na nawawala ang kanyang anak na dalaga mula pa noong Biyernes matapos itong umalis sa kanilang bahay.

Sa ngayon ay nag-iimbestiga pa ang pulisya para matukoy kung sino ang may kagagawan ng krimen at naniniwala sila na hindi lang isa ang may gawa ng krimen.

Facebook Comments