Suspek na Nangholdap ng 2 Express Riders sa Santiago City, Tinutugis; Higit P1-M Halaga, Natangay

25
Cauayan City, Isabela- Patuloy na pinaghahanap ng kapulisan ang dalawang suspek sa panghoholdap sa dalawang Express riders sa Barangay Villasis, Santiago City.

Nangyari ang panghohold-up nitong ika-5 ng Enero taong kasalukuyan sa dalawang biktima na kinilalang sina Jerick Tangalin Bilog, 25-anyos, mula sa Purok 3, Rizal, Santiago City at Ginalyn Flores Lorenzo, 22-anyos, na residente naman ng Purok 5, Divisoria, Santiago City at kapwa mga empleyado ng J&T Express.

Tinatayang nasa Php1,094,000.00 na halaga ang nakuha ng mga suspek sa dalawang biktima.

Habang ang dalawang ‘di pa nakikilalang suspek ay patuloy na inaalam at tinutugis ng mga otoridad.

Batay sa report ng PNP Santiago City, patungo ang dalawang biktima sa kanilang main office sa Callao East, Santiago City para mag deposit ng kanilang koleksyon sa Metrobank-Santiago City nang sila ay tambangan ng dalawang armadong kalalakihan partikular sa may bahagi ng Perez St., Brgy. Villasis.

Maswerte namang nahagip ng CCTV Camera ang pagtakas ng dalawang salarin na sakay ng motorsiklo na ginagamit naman ngayon ng kapulisan bilang gabay sa kanilang masusing imbestigasyon.

Facebook Comments