Wednesday, March 4, 2026

Suspek sa pagpatay sa 2 menor de edad sa Rizal, isinailalim sa drug test

Isinailalim na sa drug test ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang 18 taong gulang na lalaking suspek sa pananaksak sa dalawang magkasintahang menor de edad na may edad 12 at 13 taong gulang sa Morong, Rizal.

Ayon kay Rizal Police Provincial Office Director PCol. Eleazar Barber Jr., layon nito na malaman kung gumagamit ang suspek ng ilegal na droga na una na ring napaulat na lasing nang isagawa ang krimen.

Ayon kay Barber, hindi rin kasi basta-basta ang pagpatay nito sa mga biktima na tinadtad niya ng saksak na kung tutuusin ay sinamahan lang umano siya ng mga ito dahil ang suspek ay na-basted ng kanyang nililigawan.

Anggulong inggit ang tinitingnang motibo ng pulisya sa nasabing pamamaslang.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang nasabing suspek at nahaharap sa 2 counts ng murder.

Facebook Comments