Suspek sa pagpatay sa computer science student sa Dasmarinas Cavite, tukoy na ng PNP

Pinangalanan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang pangunahing suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa graduating computer science student na si Queen Leanne Daguinsin.

Kinilala ang suspek na si Angelito Erlano kung saan dati na itong naaresto dahil sa kasong robbery.

Sa isinagawang follow up operation ng Cavite Police sa bahay ni Erlano narekober dito ang t-shirt at shorts na kanyang ginamit nuong isakatuparan ang krimen pati ang bag ng biktima.


Sa ngayon, ipinag-utos ni Azurin ang mas pinaigting na manhunt operation upang madakip si Erlano at papanagutin sa krimen na kanyang ginawa.

Una nang nag-alok ang Cavite provincial government ng P1.1-M reward money sa sinumang makapagtuturo sa lokasyon ng suspek.

Facebook Comments