Isinasagawang Mega Job Fair sa San Jose Del Monte Bulacan, mahigit 20 na ang natatanggap

Umakyat na sa 26 na mga aplikante ang na-hired on the spot sa isinasagawang Mega Job Fair ng PESO katuwang ang DZXL Radyo Trabaho sa San Jose Del Monte Bulacan.

Ayon kay PESO Manager Perfecto “Perf” Tagalog, umaabot sa 470 ang nagparehistro online maliban pa sa walk-in na personal na nagtungo sa isinagawang Mega Job Fair ng PESO katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.

Paliwanag ni Tagalog, 37 mula sa local at 7 naman overseas ang nag-aalok ng trabaho sa mga residente ng SJDM sa Bulacan.


Mayroon ding “One Stop Shop” sa isinagawang Mega Job Fair kung saan nandoon na lahat gaya ng pagkuha ng NBI Clearance, SSS at marami pang iba.

Facebook Comments