Suspek sa Pamamaril sa Bahay ng Barangay Official, Sinampahan ng Kaso

Benito Soliven, Isabela –Natukoy na at sinampahan ng kaso ang suspek sa pamamaril na nangyari sa District 1, Benito Soliven, Isabela.

Ang kasong isinampa ng PNP Benito Soliven ay Attempted Homicide laban sa isang Kelvin Macutay na nakatira sa kaparehong barangay.

Magugunitang noong pasado alas-onse ng Disyembre 28,2017 ay pinutukan ng suspek ang tahanan ng biktima na matatagpuan mismo sa kabisera ng Benito Soliven.


Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng kapulisan sa pangunguna ni SPO4 Joefrey Solomon, napag-alaman na sa nabatid oras ay natutulog na ang pamilya ni Warren Cabangon nasa hustong edad at residente ng Barangay District 1 ng naturang bayan.

Naalimpungatan na lang sila nang magkaroon ng sunod-sunod na putok at nang bumangon ang mag asawa ay dito na tinamaan ang maybahay na si Mylene Cabangon.

Masuwerte ang ginang dahil daplis lang ng bala ang tinamo nito mula sa bala ng baril na kalibre 45.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP Benito Soliven, negosyo ang dahilan ng ginawang pamamaril sa naturang tahanan at ang puntirya ay si Warren Cabangon na siya ring Barangay Secretary ng naturang barangay.

Nakaligtas sa naturang pamamaril ang Barangay Secretary.

Facebook Comments