General Santos City—- Tumbok na ng kapulisan ang grupo at suspek na nasa likod ng pamomomba sa lungsod ng heneral santos particular na sa Prk. Malipayon, Brgy, Apopong sa harap mismo ng isang lying-in noong September 16.
Ayon kay Police Chief Superintendent Eliseo Rasco, Regional Director ng Police Regional Office 12 na lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan, responsible sa nasabing pamomomba ay ang Nilong group na isang breakaway group ng Ansar Al Khilafa Philippines na dating pinamunuan ni Tokboy Maguid.
Kasabay ng isinagawang press conference ng pambansang pulisya kasama ang local government unit ay ipinalabas nito ang computerized facial composite ng suspek na hanggang sa ngayon ay hindi pa pinapangalanan.
Dagdag pa nito na maliban sa posibleng terroristic activity kanila ring tinututukan at hindi binabewala ang posibleng personal grudge at land dispute na motibo sa nasabing pamomomba.
Nilinaw rin ni Chief superintendent Rasco na hindi Nilong group ang siyang responsalbe sa nagging pagsabog sa Midsayap, North Cotabato ilang oras matapos ang nagging pagsabog sa lungod.