SUSPEK SA PANANAGA SA OYOTORONG, SINAMPAHAN NA NG KASO KAHAPON

Kalibo, Aklan – Sinampahan na ng kasong frustrated homicide kahapon ang suspek sa pananaga na nangyari Linggo ng gabi sa Oyo Torong, Poblacion, Kalibo, Aklan. Matandaan na bago mangyari ang insidente ay nag-iinuman ang dalawang biktima na sina Jaypee Zonio, 36- anyos at Elmer Villanueva, 40-anyos kasama si Omar John Torres sa isang tindahan lugar ng dumaan ang suspek si Ervin Natalio, 32- anyos lahat residente ng nasabing lugar sakay ang minamanehong top down. Pinagsabihan ito ng biktimang si Villanueva na magdahan-dahan sa pagpapatakbo ng kanyang topdown kasi maraming bata sa lugar. Huminto ito at pinuntahan ang grupo ng biktima na may dalang kutsilyo pero naagaw ito sa kanya. Umalis ito sa lugar at muling bumalik na may dalang butcher knife (plamingko) saka pinagtataga ang dalawa kung saan napuruhan si Villanueva sa kanang balikat at sa siko naman si Zonio na sa ngayon ay patuloy na ginagamot sa hospital. Dalawang counts ng frustrated homicide ang isinampa ng Kalibo PNP laban kay Natalio pero isang count lang ang tinanggap ng piskalya dahil sa hindi nakapag sumite ng medical certificate si Zonio at ipa-file na lang muli ito bukas sa pamamagitan ng regular filing. Php 72,000.00 ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan pero nabigo itong makapagpiyansa kahapon kaya pansamantala muna itong naka kulong sa lock up cell ng Kalibo PNP.
Facebook Comments