Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, pinatalsik na sa NPC

Pinatalsik na bilang miyembro ng National People’s Coalition (NPC) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasunod ng inihaing petisyon ni Tarlac Governor Susan Yap.

Ito’y sa gitna pa rin ng pagkakasangkot ng alkalde sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa nasabing lugar.

Ayon kay NPC chairman Vicente Sotto III, hindi pinahihintulutan ng partido ang sinumang miyembro nito na masangkot sa anomalya na makasisira sa prinsipyo ng NPC.


Kaugnay nito, inatasan ni Sotto si NPC Secretary General Sec. Mark Llandro Mendoza na ipatupad ang nasabing kautusan at ipaalam ito kay Mayor Guo.

Una nang sinampahan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng kasong qualified human trafficking si Guo.

Facebook Comments