Kalibo, Aklan – Kahit na nagpalabas ng advisory ang Regional Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases IATF-EID na suspendido lamang sa Bacolod City, Roxas City at Capiz ang pagpapauwi sa mga Locally Stranded Individuals (LSI’s) ay hindi ito susundin ng Aklan. Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores may petisyon umano ang Bacolod City, Roxas City at Capiz na suspendihin ng National IATF pansamantala ang pagpapauwi sa kanila ng mga LSI’s. Bilang sagot nagpalabas aniya ng Resolusyon No. 69 ang National IATF tungkol sa petisyon at nakasaad doon na ang suspensiyon sa pag uwi ng mga LSI’s ay sa buong Western Visayas, kaya ito umano ang susundin ng Aklan. Ayon naman sa Regional IATF, dahil Bacolod City, Roxas City, at Capiz lamang ang may petition dapat sa kanila lamang ang may suspension at hindi na idinamay pa ang ibang lalawigan sa rehiyon 6. Re-commendatory muna dapat umano ang ginawa ng Regional IATF para sa nasabing isyu ayon kay Governor Miraflores para nakasigurado ang lahat kung sino at ano ang dapat na sang ayunan.
SUSPENSIYON SA PAG PAPAUWI NG MGA LSI’s NATIONAL IATF ANG SUSUNDIN NG AKLAN AT HINDI ANG REGIONAL IATF
Facebook Comments