Swindler na taga Pangasinan nahuli sa entrapment sa Aritao, Nueva Vizcaya

Naghihimas ngayon ng malamig na rehas sa kulungan ng PNP Aritao Nueva Vizcaya ang pinaniniwalaang swindler na nambiktima ng isang lola sa nasabing lugar.

Ang suspect ay kinilalang si Juan Solis y Culala, 34 taong gulang residente ng brgy. Timpra Guilig, San Fabian, Pangasinan at holder ng isang Safety Distributor ID, na may office address sa San Carlos City, Pangasinan.

Ang biktima ay si Jolly Villegas y Mejia, 84 taon, balo at residente ng brgy. Banganan, Aritao Nueva Vizcaya.


Ayon sa PNP Aritao, noong March 5, 2018 unang nabiktima si lola Jolly, at dahil sa mga umanoy mapanlinlang na salita ay nadenggoy ng suspect ang biktima ng cash na 25,000.00 pesos kapalit ng LPG safety regulator device.

Noong June 2018 ay binalikan ng suspect ang matandang balo at muli ay nadenggoy niya ang biktima ng halagang 25,000.00.

Nasira umano ang unang ibinenta ng suspect na LPG safety regulator device at kelangang palitan ng mas matibay na nagkakahalaga ng 41,000.00 pesos.

Dahil sa 25,000.00 pesos lang ang naitaon na pera ng biktima ay nagkasundo sila na balikan na lamang ng suspek ang balanseng 16,000.00 sa July 31, 2018.

Bago ang nasabing petsa ay naikwento ng lola sa kanyang mga kamag anak ang mahal pero high tech daw na regulator at dito lang nalaman ng biktima na mura lang pala ang presyo nito.

Ipinarating ng biktima ang nasabing modus ng suspek kay punong brgy. Michael Madrid Villegas ng brgy Banganan, Aritao Nueva Vizcaya.

Noong hapon ng July 31,2018, dumating ang suspek para kunin ang balanse ng biktima na 16,000.00 pesos.

Inihanda ni punong brgy. Villegas ang boodle money at lingid sa kaalaman ng suspek, si punong brgy Villegas ang humarap sa kanya at noong maabot ng suspek ang boodle money ay agad na hinuli ni Villegas ang suspek.

Agad ding itinawag ni punong brgy Villegas ang pangyayari sa pulisya at sinampahan ng kaso si Solis.

Tag# kapitan Villegas, neil galapon, dwkd 98.5, rmn news, pnp aritao, banganan aritao


Facebook Comments