Positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang aktres na si Sylvia at kaniyang kabiyak na si Art Atayde.
Kinumpirma ng “Pamilya Ko” lead star ang impormasyon sa kaniyang Instagram post nitong Martes.
Ayon kay Sanchez, ika-24 ng Marso nang isugod sila ng mister sa Cardinal Santos Medical Center makaraang ginawin, ubuhin, at makaranas ng hirap sa paghinga.
“We were made to take the COVID-19 swab test and since then, Art and I have self-isolated. A week later, we finally received the results and we both came out positive for COVID-19,” saad ng batikang aktres.
Pero kahit tinamaan ng nakakahawang virus, sinabi ni Sanchez na bumubuti na ang kondisyon nilang mag-asawa.
“We would like to request those whom we saw prior to the community quarantine to monitor for symptoms of shortness of breath, cough, fever, LBM and sore throat… Although this is slower than our usual recovery, we know that with prayers and strict compliance with our doctor’s orders, we will get there.”
Hinimok din niya ang publiko na alagaan ang kalusugan sa pamamagitan ng pag-inom ng vitamins, pag-e-ehersisyo, at pananatili sa loob ng bahay.
Si Sanchez, ina ng artistang sina Arjo at Ria Atayde, ay kasalukuyang napapanood sa panghapon na soap-opera ng ABS-CBN.
Una nang nagpositibo sa COVID-19 sina Christopher de Leon at Iza Calzado, na parehong gumaling na sa naturang sakit.