Taas-pasahe sa LRT-1, pinag-aaralang mabuti ng gobyerno

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng gobyerno ang petisyon ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na itaas ang pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) line 1.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan – mayroong sinusunod na proseso sa anumang hirit na taas-pasahe sa alinmang mode of transportation.

Dagdag pa ni Batan – magsasagawa rin ang DOTr ng public consultations para mapakinggan ang sentimiyento ng stakeholders, kabilang ang mga mananakay ng LRT.


Isa aniya sa ikinukunsiderang option ay i-subsidize ng gobyerno ang fare deficit sa halip na ipasa ito sa mga pasahero.

Nabatid na humiling ang LRMC na itaas sa limang piso hanggang pitong piso ang pasahe sa LRT-1 para mapanatili ang maayos na serbisyo ng line 1.

Sa kasalukuyan, ang pamasahe sa LRT-1 ay mula ₱15 hanggang ₱30 na may biyahe mula Baclaran sa Parañaque hanggang Roosevelt sa Quezon City.

Facebook Comments