Manila, Philippines – Nagsimula nang magpataw ng fuel surcharge ang ilang airlines kasunod ng pagmahal ng aviation fuel dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Civil Aeronautics Board Executive Director Carmelo Arcilla, mas okay na ang pagpataw ng fuel surcharge kaysa hayaan ang mga airline na magtaas ng pamasahe.
Aniya, titiyakin naman nila na patas ang ipapataw nilang surcharge.
Nasa 30 hanggang halos 800 ang fare increase ng mga airline company sa mga byahe sa loob ng bansa habang higit 100 hanggang 10,000 ang dagdag sa palabas ng Pilipinas.
Sabi ni Arcilla, imo-monitor naman nila ang aviation fuel kada dalawang buwan.
Oras aniya na bumaba sa P29 per liter ang aviation fuel ay babawiin nila ang paniningil ng fuel surcharge.