Taguig LGU, pinaiimbestigahan na sa Korte Suprema ang mga pahayag ni Makati Mayor Binay

Pinapaimbestigahan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa Korte Suprema ang umano’y nakababahalang mga pahayag ni Makati Mayor Abby Binay.

Sa inihaing Extremely Urgent Manifestation with Motion Ad Cautelam, hiniling ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang aksyon ng Kataas-taasang Hukuman sa isyu ng iringan ng dalawang lungsod na una nang naresolba ng Supreme Court.

Hiniling din ng alkalde ng Taguig na maglabas ang Korte Suprema ng show cause order laban sa Lungsod ng Makati at kay Mayor Binay upang pagpaliwanagin sa mga naging pahayag nito.


Partikular na ang alegasyong nagtakda umano ng bagong oral arguments ang Korte Suprema sa kasong may kinalaman sa Fort Bonifacio gayong pinal na ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ukol dito.

Bagama’t itinanggi na aniya ng Supreme Court ang isyu, ikinababahala nila ang mga kumalat pa rin social media posts na nagsabing nakipag-usap si Mayor Binay kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at Chief Justice Alexander Gesmundo.

Facebook Comments