Tamang Pagbubukod ng mga Basura sa Cauayan City, Mahigpit na Ipapatupad!

Cauayan City- Hihigpitan na ng Cauayan City Envirolmental and Natural Resources ang pagpapatupad sa tamang pangangasiwa ng mga basura kaalinsunod sa RA 9003 o Solid Waste Management Act simula ngayong buwang ng Hulyo taong kasalukuyan.

Sa ibinahaging impormasyon ni City Envirolmental and Natural Resources Officer (CENRO) Alejo Lamsen sa RMN Cauayan, sinabi nito na mula umano ngayong buwan ng hulyo ay uumpisahan na nilang ipapatupad ang No Segregation No Collection policy.

Dagdag pa rito, upang makasunod umano ang mga mamamayan ng Cauayan City ay namahagi na rin sila ng mga fliers at mga polyeto na makatutulong upang mapabatid ito sa mga tao.


Sinabi din ni CENRO Lamsen na mula umano sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes ay mga basurang nabubulok lamang ang mga maaaring itapon o ibigay sa mga nangunguha ng basura samantalang sa mga araw naman ng Martes, Huwebes at Sabado ay mga basurang hindi naman nabubulok ang dapat na itapon habang sa araw ng Linggo ay mga basurang nakakalason naman umano ang kukunin lamang ng mga garbage collector.

Samantala, kung sino man umano ang mga lalabag dito ay mapapatawan naman ng kaparusahan at maaaring magbayad ng 300 hanggang 2500 pesos, 8 hanggang 40 oras na community service, isa hanggang anim na buwang pagkakakulong at pagdodonate ng dugo mula 200 hanggang 1000cc.

Nananawagan naman si CENRO Lamsen sa kooperasyon ng mga mamamayan at aniya mas mainam umano na gumamit din ng mga nareresiklong mga plastic upang makaiwas sa paggamit ng hindi nabubulok na basura.

Facebook Comments