TAPATAN | Pacquiao-Mayweather 2 sa Disyembre na!

Biglang nagkalinaw ang isa sa mga masalimuot na usapan sa larangan ng boxing!

Ito ay matapos mag-post sa social media si undefeated American champion Floyd Mayweather, Jr. na muli silang magtutuos ni Pacman sa Disyembre ngayon taon.

Sa kaniyang instagram account, sinabi ni Mayweather na: “I’m coming back to fight Manny Pacquiao this year another 9 figure pay day on the way.”


Bagay naman na magandang balita para sa Pambansang Kamao na noon pa humihirit ng rematch kontra kay Mayweather.

Maalalang tinalo ni Mayweather si Pacman noong Mayo 2015 via unanimous decision.

Pagkatapos ng laban inamin ni Pacquiao na may iniinda itong injury sa kaniyang balikat kaya wala ito sa kondisyon sa laban niya kay Mayweather.

Facebook Comments