Bagaman pahirapan ang transportasyon sa bansa hindi ito nakaapekto sa vaccination program ng pamahalaan.
Ito ay dahil sa world class na serbisyo ng number 1Pinoy-owned cold chain at logistics firm na PharmaServ Express.
Ayon kay Andrian Perez, pangulo ng PharmaServ Express, Inc. eksperto ang kanilang kompanya tulad ng pag-iingat ng bakuna na napakahalaga ngayon sa gitna ng laban sa COVID-19 pandemic.
Walang nasayang nabakuna mula pagdating sa bansa hanggang sa imbakan at hanggang makarating sa ibat ibang panig ng bansa
Ang PharmaServ Express ang tanging kompanya sa bansa na gumagamit ng biothermal case system na nagpapanatili ng kailangang temperatura ng bakuna habang ibinibiyahe sa iba’t ibang parte ng bansa.
Sa ngayon, nasa plano na ng pamahalaan na mas paigtingin pa ang bakunahan kung saan mula sa 70% COVID-19 immunity vaccination target gagawin na itong 100%.
Kumpiyansa ang nasabing kumpanya na magagampanan pa rin ang tungkulin at hindi mababalewala ang tiwala ng gobyernong ibinigay sa kanila.