Napanatili ng bansa ang target na economic growth nito na 6.5 percent sa kabila ng mga ipinatupad ng restriksyon dahil sa patuloy na epekto ng COVID-19.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, tiwala siyang unti-unting makakarekober ang bansa mula nang ipatupad ang mga paghihigpit noong 2020 na malaki ang naging epekto sa ekonomiya.
Patuloy namang hinihimok ng NEDA ang pagbukas ng tuluyan ng ekonomiya ng bansa kung saan isa ito sa mga Departamentong tumutol na ibalik muli ang lockdown.
Sa ngayon, batay sa tala ng NEDA umabot na sa 58,000 katao ang nadagdag sa 3.2 milyong nagugutom na Pilipino kung saan 128,500 ang walang trabaho.
Facebook Comments