
Nagsagawa ng joint executive-legislative meeting ang lokal na pamahalaan ng San Carlos City noong Lunes upang talakayin ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ang posibleng epekto nito sa presyo ng mga bilihin sa lungsod.
Sa pagpupulong, napagkasunduan ang pagbuo ng isang Task Force na tututok sa pagmomonitor ng presyo ng gasolina, enerhiya at iba pang pangunahing bilihin. Inatasan ang grupo na magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang mabantayan at matugunan ang posibleng epekto ng pagtaas ng presyo sa mga residente.
Dumalo sa pulong ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod na may kinalaman sa usapin ng presyo ng produkto, enerhiya at ekonomiya.
Layunin ng inisyatibang ito na matiyak ang agarang pagmomonitor at pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga isyung may kinalaman sa presyo ng petrolyo at mga bilihin sa San Carlos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










