Task force kontra NCoV, hindi pa kailangan, Palasyo

Wala pang plano ang Palasyo na lumikha ng isang task force laban sa Novel Corona Virus.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo hindi rin nila nakikita sa ngayon ang urgency sa pagtatalaga ng isang pointperson para pangasiwaan ang pag-tugon sa NCoV.

Sinabi ni Panelo na kuntento naman ang Palasyo na nagagampanang maigi ng Department of Health (DOH) ang kanilang tungkulin hinggil sa isyung ito.


Basta ang mapapayo lamang ni Panelo sa publiko ay panatilihing malusog ang pangangatawan lalo na ang immune system.

At tulad ng paalala ng DOH kapag may ubo, sipon at lagnat ay magpakonsulta sa doktor, mag isolate ng 10-14 araw at mag-suot ng mask upang hindi na maikalat pa ang virus.

Sa ngayon nananatiling NCoV Free ang Pilipinas.

Facebook Comments