TATALIKURAN NA | Demi Lovato – nangakong tatalikuran na ang droga

Nangako ngayon ang American singer-songwriter na si Demi Lovato na tatalikuran na talaga niya ang droga.

Matatandaang nitong hulyo, isinugod sa ospital si Lovato matapos na matagpuang walang malay sa kanyang bahay dahil sa opioid overdose.

Ilang taon umanong sumailalim sa treatment si Lovato dahil sa kanyang bipolar disorder at bulimia.


Base sa mga report, nasa isang live in facility na ang singer para magpagaling pero hindi nabanggit kung ipapasok siya sa rehabilirtation.

Kasabay nito, nagpasalamat ang singer sa kanyang fans na patuloy na sumuporta at umasang makakabalik siya sa pangkanta.

Facebook Comments