NATUKOY | Lider ng kidnap-for-ransom group na dumukot sa isang ginang sa Laguna, bagitong pulis!

Isang bagitong pulis ang natukoy na utak ng kidnap-for-ransom group na dumukot sa isang ginang sa Laguna noong July 29.

Kilala itong si PO1 Michael Umipig Cervo.

Ayon sa PNP anti-kidnapping group – pag-aari rin ni Cervo ang ginamit na safehouse sa Purok Kwatro, Barangay Tranca Bay, Laguna.


Tatlong-daang libong piso umano ang hinihinging ransom ng grupo kapalit ng pagpapalaya sa biktimang si Bonifacia Arcita pero naibaba ito hanggang P120,000.
Gayunman, pinatakas na lang ng mga suspek ang biktima matapos matunugang alam na ng pulisya ang kanilang modus.

Facebook Comments