Tatanggap ng ‘Social Amelioration’ sa Cauayan City, Limitado lang ang Mabibigyan

*Cauayan City, Isabela*- Nilinaw ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan City ang tungkol sa limitadong mabebenepisyuhan ng Social Amelioration Cash Assistance ng Gobyerno bunsod ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Ito ay makaraang kumalat ang usapin na lahat ay mabibigyan ng nasabing tulong pinansyal matapos na ianunsyo ni Pangulong Duterte.

Ayon kay City Mayor Bernard Dy, bagama’t isa sa mga prayoridad ang mga traysikel drayber ay limitado rin ang mabibigyan ng nasabing tulong sa ilalim ng SAC.


Giit pa ni Dy na limitado lang ang pondong ibibigay ng national government sa pagbibigay ng SAC sa taumbayan ngunit DSWD ang siyang magbibigay ng tulong at kaakibat lamang ang LGU sa pag-identify sa mga higit na nangangailangan.

Isa din sa mga prayoridad ang Persons WITH Disability, Senior Citizen at Solo Parent subalit kinakailangan pa rin na maidentify kung sila ay karapat-dapat na mapabilang sa bibigyan ng ayuda gayong mga social worker ng City Social Welfare Office ang susuri sa mga ito.

Samantala, ngayong araw ay umpisa ng pagbibigay ng cash assistance sa kabuuang 5,457 traysikel drayber sa buong lunsgod.

Paglilinaw ng alkalde na mga driver-operator lang ang mabibigyan ng nasabing tulong na nasa ilalim sa Business Permit Licensing Office (BPLO) at hindi ang mga nakikipasada lang.

Paalala pa nito na hindi kinakailangan lumabas ang mga drayber dahil personal itong dadalhin sa kanilang mga bahay.

Facebook Comments