Makato, Aklan — Arestado ang tatlong kalalakihan matapos na maglagari ng kahoy gamit ang chainsaw na paso na ang lisensya kahapon sa Brgy. Aglucay, Makato, Aklan.
Sa report ng Makato PNP na kaninang hapon ay may nag report sa kanilang opisina na merong nagpuputol ng kahoy sa nasabing lugar at agad nilang tinungo para i-verify ang report.
Pagdating sa lugar particular sa may tabing ilog ay naabutan nila ang mga nag ooperate nga chainsaw na sina Rouel Castillo Francisco, 20-anyos, Cedie Cañal Castillo, 25-anyos lahat residente ng Brgy. Silakat Nonok, Lezo at kasama nila si Bonifacio De Vicente Tiongson Jr., residente ng Aglucay, Makato na nagpuputol ng kahoy na “bangkae” gamit ang chainsaw na STIHL 070.
Hinanapan ang mga ito ng mga dukomento sa chainsaw at kanilang pinakita ang Certificate of Registration na nakapangalan kay Alberto Dela Cruz ng Pobalcion, Balete na napaso na noong April 3, 2008.
Dahil dito inaresto ang mga ito at kinumpiska ang chainsaw kasama na ang kahoy na linagari sa ibat ibang dimension na may kabuuang 210.6 board feet at may market value na P 4, 212.00.
Ang nasabing chainsaw at mga kahoy ay nasa kustodiya na ng Makato PNP pati na rin ang mga suspek na mahaharap sa karamptang kaso.
Tatlo arestado matapos gumamit ng chainsaw na paso ang lisensya
Facebook Comments