Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek na pawang residente ng nasabing bayan.
Kinilala ang mga naaresto na nasa edad 53-57 anyos na mga kababaihan.
Nahuli umano ang mga ito habang aktwal na naglalaro ng barahang Tong-its sa isang bukas na lugar, na lumalabag sa Presidential Decree 1602 o ang batas laban sa ilegal na pagsusugal.
Nakumpiska ng mga operatiba mula sa mga suspek ang isang set ng baraha at perang ginagamit bilang taya na nagkakahalaga ng kabuuang ₱1,725.
Matapos ang pag-aresto, dinala muna ang mga ito sa ospital para sa medical examination bago inihatid sa himpilan ng Pozorrubio Municipal Police Station (MPS) kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










