Tatlong Barangay, Nagkaproblema sa Nakalipas na Eleksyon!

Jones, Isabela -Nagkaroon ng kaunting problema ang tatlong barangay sa bayan ng Jones sa katatapos na eleksyon dahil sa protesta ng natalong kagawad, nagkapareho ng bilang ng boto at ang matagal na pagdating ng election returns.

Ayon kay Police Senior Inspector Rex Pascua, aniya sa barangay Minuri ay hindi pumayag ang nasa ika walong pwesto na maiproklama ang nasa pang-lima hanggang nasa pitong pwesto na nanalong kagawad dahil sa umanoy sobrang dikit ang kanilang mga boto.

Nakipag-koordinasyon naman umano agad ang Board of Election Inspectors sa kapulisan upang dalhin ang ballot boxes sa munisipyo ng Jones at doon iproklama ang mga nanalo ngunit hindi naman umano nagsumite ng pormal na protesta ang nasa walong pwesto sa resulta ng bilangan.


Sinabi pa ni Inspector Pascua na sa Barangay Dipangit nman ay nagkapareho ang resulta ng boto ng nasa pang apat at lima, ganun din ang pang anim at pito ngunit napagkasunduan na mag-toss coin na lamang ang mga ito.

Samantala sa Barangay Dicamay ay madaling araw nang nakarating sa munisipyo ng Jones ang eleksyon returns dahil sa nasiraan lamang ang gulong ng sasakyan na kanilang ginamit sa transportasyon.

Kaugnay nito naging maayos naman umano ang eleksyon sa bayan ng Jones sa kabila na isa ito sa election watch list.

Facebook Comments