Tatlong barangay sa Basilan, apektado sa ngayon sa opensiba ng militar

Basilan, Philippines – Tatlong barangay ang apektado sa ngayon sa municipio ng Sumisip lalawigan ng Basilan dahil sa opensiba ng militar laban sa bandidong grupo Abu Sayyaf.

Ayon sa alkalde ng Sumisip, Boy Hataman , ang mga barangay na apektado ay kinabibilangan ng Mahatalang, Talisay at cabcaban, ilan sa mga residentes ng nasabing mga barangay ang nasipagsilikas para sa ibang barangay.

Alas nueve ng gabi noong Sabado nang makasagupa ng joint task force Basilan ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf.


At ayon sa commander ng JTFB Col. Juvymax Uy, unang nagpabaril ang grupo ng ASG sa mga nagpapatrolyang sundalo, kung saan umabot sa ilang minuto ang sagupaan dahilan ng pagkapatay sa apat na miyembro ng ASG.

Sinabi ni Uy grupo ni Radsmir Janatul ang nakaenkwentro ng kanyang mga tropa, at ang grupo nito ang siyang responsable sa pag-atake ng mga campo ng militar sa lalawigan ng Basilan.

DZXL558

Facebook Comments