Tatlong Barangay sa Lungsod ng Cauayan, Binigyan ng Pagkilala ng DILG Isabela

*Cauayan City, Isabela*- Binigyan ng natatanging pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) Isabela ang tatlong barangay sa Lungsod ng Cauayan dahil sa kanilang naging kontribusyon na nagresulta ng positibong hakbangin sa kanilang tungkulin.

Ilan sa mga ginawaran ng parangal ay ang mga barangay ng District 1, District 2 at Cabaruan.

Kaugnay nito, kinilala din sa nasabing parangal ng DILG-Isabela sina Brgy. Kapitan Esteban Uy ng District 1, Paolo Eleazar Delmendo ng District 2 at Benjamin Dy ng Cabaruan dahil sa kanilang pagiging isang ‘Lingkod Bayan’ habang nasungkit naman bilang ‘Hall of Fame’ ni Brgy. Treasurer Maricris Diwa ng Cabaruan at limang (5) tanod naman ang kinilala rin bilang ‘Best Barangay Tanod’ sa buong Probinsya.


Ito ay bahagi ng kanilang promosyon dahil sa malaking ambag na kanilang nagawa gaya ng pagpapanatili ng Peace and Order at Pagiging isang mabuting Lingkod Bayan.

Hinikayat naman ng DILG Isabela ang iba pang barangay na magsilbi itong gabay upang mas lalo pang mapagbuti ang paglilingkod sa nasasakupan.

Facebook Comments