Tatlong batang nasawi sa sunog sa Brgy. Sto Domingo, Quezon City, dinala na sa isang punerarya

Dinala na sa isang funeral homes ang bangkay ng tatlong batang nasawi sa sumiklab na sunong sa Brgy. Sto Domingo, Quezon City.

Ayon sa BFP, na-trap sa ikalawang palapag ng bahay ang mga bata at posibleng suffocation ang sanhi ng pagkamatay.

Pero ayon sa ilang nakasaksi sa sunog, nang babalikan ang mga bata sa kanilang kwarto ay biglang bumigay ang bubong ng bahay na bumagsak sa mga bata.

Ang dalawang batang lalaki ay 10 at 7 taong gulang na lalaki habang ang bunso ay 5 taong gulang na babae.

Nagpapatuloy hanggang sa ngayon ang imbestigasyon ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang naiwang pinsala.

Facebook Comments