Tatlong bayan sa Midtimbang country ang isinalong ang matataas na kalibre ng armas may kaugnayan sa Balik Baril program ng pamahalaan. Pinangunahan ni Talayan mayor Tungkang Midtimbang ng Talayan, Datu Anggal Midtimbang Vice Mayor Nathaniel Midtimbang at Guindulungan Mayor Midpantao Midtimbang Jr. ang ceremonial turn-over ng mahigit sa pitumpung mga baril. Itoy sinaksihan naman ni 90th IB Commander Lt.Col.Fernandez, na pinasalamatan ang mga alkalde sa ginawa nilang panghikayat sa mga constituent nito na isalong ang mga loose firearms. Sa panayam ng RMN Cotabato kay Joint Task Force Central spokesperson at CMO Battalion Commander Lt.Col.Gerry Besana, na kabilang ang 76 na mga armas ang epresenta mamaya kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa bayan ng Buluan Maguindanao. Sinabi pa niya, na umaabot nasa isang libo ang mga baril na isinuko sa probinsya ng Maguindanao.
Tatlong bayan ng Midtimbang nagbalik-baril kahapon
Facebook Comments