Tatlong drug suspects, kalaboso sa Las Piñas

Manila, Philippines – Tatlong drug suspects ang nasakote, kabilang ang isang babae, matapos ang isinagawang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Las Piñas City.

Nakilala ang mga arestado na sina Sonny Boy Baquir Botones, Claudio Mizende Castillo at Lydia Pancito Roja, pawang nakatira sa Pulang Lupa Dos.

Nakatanggap ng impormasyon ang police Las Piñas hinggil sa bentahan ng iligal na droga kaya’t nagtungo sila sa lugar at nang magpositibo dito na kinuwelyuhan ang tatlong suspek.


Nakumpiska mula sa kanilang pag-iingat ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, ilang drug paraphernalia, isang 9mm pistol at isang magasin na may labing-walong bala.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act at illegal possession of firearms laban sa mga suspek.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments