Tatlong gabinete, itinalaga ni PBBM bilang caretaker ng bansa habang nasa India

Screenshot from RTVMalacañang/Facebook

Nakaalis na ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong India para sa kaniyang limang araw na state visit.

Pasado alas-10:00 nang umaga lumipad ang eroplanong sinasakyang ng Pangulo mula sa Villamor Air Base.

Kasama ng Pangulo sa Philippine delegation ang mga kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND), Department of Trade and Industry (DTI), Special Assistant for Investment and Economic Affairs, at maging si Undersecretary Claire Castro.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, habang wala ang Pangulo siya ang magsisilbing caretaker ng bansa kasama sina DAR Secretary Conrado Estrella, at DepEd Secretary Sonny Angara

Sa kaniyang departure speech, binigyang-diin ng Pangulo na nais niyang pagtibayin sa India ang tungkol sa depensa, kalakalan at pamumuhunan, kalusugan at parmasyutiko, agrikultura, turismo, at connectivity.

Gayundin ang pagbibigay ng visa-free entry para sa mga Indian travelers na inaasahang magpapalakas sa turismo at ugnayang pang-ekonomiya.

Inaasahang lalapag ang eroplanong sinasakyan ng Pangulo mamayang hapon, sa Palam Air Force Station sa New Delhi India, at agad itong makikipagkita sa Filipino community mamayang gabi.

Facebook Comments