General Santos City—tatlong kasapi ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Pulisya, 73rd IB at LGU ng Alabel, Sarangani Province kahapon.
Kinilala ni Spo4 Esrael Lantingan, ng Alabel Municipal Police Station ang mga sumuko na sina Alias Ka Junie, 25, na residenti ng Barangay Datal Angas, Alabel, Ka Mateo, 24, residenti ng Barangay Poblacion, Alabel; at Alias Lebie, 39, residenti ng Zamboanga City parang kasapi ng Guerilla Front, 71 far South Mindanao Region .
Sa pamamagitan ni Barangay Pagasa kapitan Rosemae Orlino at mga tribal leaders ng Alabel nakumbinsi ang tatlo na sumuko at bumaba bitbit ang kanilang mga baril.
Sinabi ni Lantingan na isa sa naging dahilan ng pagsuko ng tatlo ay ang hirap na kanilang nararanasan habang palipat-lipat nga lugar sa bukiring bahagi ng tri-boundary ng Sarangani, Sultan Kudarat at Davao Del Sur.
Hindi na rin nila naiintindihan ang sistema ng kanilang samahan dahil para sa kanila parang wala nang katiyakan na may patutunguhan pa ang kanilang ipinaglalaban.
Sa ngayon nasakustudiya pa ng LGU Alabel ang tatlo at nakatakda silang ilipat sa kampo ng 1002nd brigade.