Tatlong Koreano na matagal nang wanted sa South Korea, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong Koreano na matagal nang wanted
sa South Korea.

Una nang naaresto sa pinagsanib puwersa ng CIDG Anti-Transnational Crime
Unit (ATCU) at Southern Police District sa makati si Yong Ho Jeon na wanted
s Ajeonju District Court dahil sa kasong fraud.

Bukod kay Jeon, inaresto rin ng CIDG ang mag asawang Yang Sum at Yang Myung
Ock Yeo sa La Trinidad, Benguet.


Si Yang Sum ay inaresto sa bisa ng Interpol Red Notice dahil sa tatlong
kaso ng fraud sa South Korea habang ang misis nitong si Yang Myung Ock Yeo
ay dinampot dahil sa paglabag sa Immigration Law Rules and Regulations ng
bansa.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na rin ang mga otoridad sa Bureau of
immigration para maibalik sa South Korea ang mga nasabing dayuhan.

 

Facebook Comments