Tatlong miyembro ng pamilya, minasaker sa Caloocan City

Manila, Philippines –  Patay ang tatlong miyembro ng pamilya matapospasukin at pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. 176, Bagong Silang,Caloocan City kagabi.

 
Kinilala ang mga biktimang sina Ada Liwanag,  30 anyos , live in partner na kinilala lamangsa alyas na “Boy” at anak na si Arrot Liwanag.

 
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya pasado alas diyes  kagabi nang pasukin ng dalawang hindinakilalang mga suspek ang bahay ng mga biktima sa Phase 9 Package 7.


 
Ayon sa Purok Leader na si Arlene Bayanay, unang binarilsi Ada nang pagbukasan ng gate ang mga suspek at saka sinunod ang kinakasamanito at anak na nasa loob ng bahay.

 
Nasugatan din sa pamamaril ang limang taong gulang na aponi Ada matapos tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang braso na ginagamot na saTala Hospital.

 
Wala naman alam na kaaway ang pamilya ng mga biktima naposibleng maging motibo ng pamamaslang.

 
Sa panig naman ng PNP sinabi ni Caloocan PCP 3 CommanderP/Chief Inspector  Ronald Cayago nakabilang sa drug personalities ang mga napatay na biktima at nagsasagawa na rinsila ng follow up operation laban sa mga nakatakas na suspek.

Facebook Comments