Tatlong miyembro ng POSO sa lungsod ng Alaminos, pinagsasaksak

Saksak sa ibat-ibang parte ng katawan ang natamo ng tatlong miyembro ng Public Order and Safety Office o POSO Alaminos City matapos silang saksakin ng isang babae na may problema sa pag-iisip.
Kinilala ang mga biktima na si Romeo Alcaparas, Glenn Tugade at Virgillo Rabara na parehong nasa hustong gulang.
Sa imbestigasyon ng otoridad, inireport umano ng suspek na si Grace Vistroy sa tanggapan ng ahensya na nasusunog ang kaniyang bahay at ng magdesisyon na respondehan ang insidente .
Isinabay pa ng mga biktima ang suspek sa kanilang patrol vehicle.
Habang papunta sa tahanan nito naglabas ng cutter ang suspek at doon na nito sinaksak ang tatlong biktima.
Naitakbo pa ang tatlo sa hospital na nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng katawan na agad binigyang lunas.
Pinaniniwalaan ng otoridad na ito ay may sakit sa pag-iisip ngunit gayunpaman nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

Facebook Comments