Tatlong nagpakilalang mga miyembro ng New People’s Army o N-P-A ang naaresto sa joint entrapment operation ng kapulisan sa Cagayan de Oro at Cotabato Provincial Police Office sa isang pawnshop sa Barangay Carmen kahapon.
Ang mga suspek ay sina Rey Lomonggo taga Laguindingan, Misamis Oriental, Jonalou Bughao taga Kimaya, Jasaan, Misamis Oriental at Ryan Bagas na taga Barangay Carmen dito sa syudad.
Ayon kay Carmen Police Station Commander Richie Salva na modus ng tatlo ang magpakilalang N-P-A sa pamamagitan ng text message at tatakutin ang biktima na papatayin ang pamilya kung hindi magbibigay ng pera.
Huling nabiktima ng mga suspek ang isang Administrator ng Philippine Red Cross, South Cotabato Chapter, Coronadal City na si Erwin Rommel Pascua del Carmen.
Samantala, nakuha naman mula sa mga suspek ang shabu, drug paraphernalia, pawnshop receive money form, tatlong libong peso, celfon, armas at notebook na listahan ng mga pangalan.
Ang tatlong suspek ay mahaharap sa kasong extortion, illegal possession of firearms at illegal na druga.
-o0o-
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes
Tatlong nagpakilalang miyembro ng N-P-A, nahuli sa joint entrapment operation
Facebook Comments