Tatlong pelikulang Pilipino, nominado sa ASEAN Film Festival sa Bangkok

Nominado ang tatlong pelikulang Pilipino sa kauna-unahang Bangkok ASEAN Film Festival.

Kabilang dito ang “Tokwifi” o “Star” ni Carla Pulido Ocampo, “Excuse Me, Miss, Miss, Miss” ni Sonny Calvento at “To Calm the Pig Inside” ni Joanna Vasquez Arong.

Makakatanggap ng $20,000 o ₱969,100 ang magwawagi sa nasabing kompetisyon na iaanunsiyo sa darating na Setyembre 6.


Ang Bangkok ASEAN Film Fesitval 2020 ay itinaguyod ng Ministry of Culture ng Thailand kung saan layunin ay ma-promote ang mga pelikula mula sa kalapit na mga bansa.

Facebook Comments