Sinampahan na ng kaso kahapon ang tatlong pinaghihinalaang mga rebelde na naaresto ng kapulisan at militar sa Bukidnon.
Ito ang kinumpirma ni Sumilao Acting Chief of Police, Police Inspector Rodrigo Delfin sa dxCC-RMN.
Ayon kay Delfin na nahaharap ngayon sa kasong illegal position of firearms, ammunitions and explosives sina Romeo Salilo, 49 anyos, Roger Ayombo, 40 anyos at Rey Lomingka, 25 anyos na pawang mga taga Barangay Licoan, Sumilao, Bukidnon.
Inihayag naman ni PO2 Neil Angelo Econg, imbestigador ng Bukidnon Provincial Public Safety Company na matapos sa kanilang operasyon nakuha mula sa mga suspek ang iba’t -ibang klase nga armas at bala, dalawang hand grenade, celfon at mga subersibong dokumento.
Idinagdag ni PO2 Econg na isa sa tatlong suspek ang umaming miyembro sila ng NPA guerrilla front 68 na kumikilos sa Mt. Kitanglad at Mt. Kalatungan sa Bukidnon.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes
Tatlong rebelde na nakunan ng iba’t-ibang klase ng armas at bala sa Bukidnon, sinampahan na ng kaso
Facebook Comments