Panalo na sana pero naging bato pa, ito yung nasambit ng tatlong mga kabataan na tumakbo sa pagka kagawad sa SK o Sangguniang Kabataan sa katatapos na halalan makaraang mailagay sa pagka barangay Kagawad ang kanilang mga pangalan, imbes na sa SK Kagawad nakalagay. Ayon sa pahayag ng isa sa nadisqualified na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan, nagulat na lamang daw siya noong lunes sa pagboto nito sa Polling precints, ng makita ang pangalan sa balota na nakahanay sa pagkabarangay kagawad at hindi sa SK Kagawad. Nagreklamo pa sila sa mga Electoral Board kung bakit ang nangyari subalit pinayuhan sila na dumulog na lang sa tanggapan ng Comelec dahil sila ang nagprint out sa mga pangalan nagfile ng COC noon. Posible umanong hindi naisulat ang word na SK at kagawad lamang ang naisulat noong silay nagfile ng COC sa COmelec kayat nalagay ang kanilang pangalan sa tumatakbo sa barangay kagawad. Nanghihinayang ang tatlo dahil automatic panalo n asana sila sa pagka SK kagawad dahil pito lang ang tumakbo, subalit dahil sa nangyari ay naglaho ang kanilang pangarap na makaupo sa SK Kagawad. Silay tumatakbong SK kagawad sa barangay RH-2.
Tatlong tumatakbong SK kagawad nadisqualified sa lungsod
Facebook Comments