TD “Ester” nakalabas na ng PAR; Bumilis habang nasa dagat malapit sa Okinawa Island

Asahan pa rin ang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon ngayong araw.

Ito ay dahil sa pag-iral ng hanging habagat na pinalakas ng Tropical Depression Ester at Tropical Storm “Songda” na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Alas-5:00 kaninang umaga nang lumabas ng PAR ang Bagyong Ester na patungo ngayon sa East China Sea.


Huli itong namataan sa layong 915 kilometers Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon at kumikilos sa bilis na 30 kilometers per hour.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 km/h at pagbugsong 55 km/h.

Facebook Comments