US President Joe Biden, nagpositibo ulit sa COVID-19

41

Balik isolation si US President Joe Biden makaraang magpositibo muli sa COVID-19.

Dahil dito, hindi muna makakauwi sa kanyang tahanan sa Wilmington si Biden habang kinansela na rin ang work trip niya sa Michingan.

Ayon kay White House physician Dr. Kevin O’ Connor, ang muling pagpopositibo ng US president sa virus ay “rebound” na nararanasan ng ilang COVID-19 patients na umiinom ng anti-viral drug na Paxlovid.


Lumalabas sa mga pag-aaral na maliit pero mahalagang porsiyento ng mga taong umiinom ng Paxlovid ay makararanas ng relapse o rebound na nagaganap ilang araw matapos ang five-day treatment course.

Samantala, tiniyak ni Biden na maayos naman ang kanyang pakiramdam.

Facebook Comments