Baste Duterte, ayaw ng ipagtanggol ang sarili sa impresyon ng publiko na babaero daw siya

Manila, Philippines – Babaero, ang impresyon ng publiko sa bunsong anak na lalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sebastian “Baste” Duterte.

Nitong mga nakaraan lamang ay trending ang balita tungkol kay Baste Duterte na pinagsabay umano nito ang long-time girlfriend na si Kate Necessario at sexy star na si Ellen Adarna.
Alam naman daw ng dalawa ang sitwasyon at pumayag naman ang mga ito na maghati sila kay Baste.

Pero matapos halos ang isang taon, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila Baste Duterte at Ellen Adarna.


Nitong nakaraang Biyernes ay humarap sa press si Baste para sa grand presscon ng kanyang upcoming show sa kapatid network na “Lakbai”.

Nakiusap ang bunsong anak ng Presidente na huwag siyang husgahan sa kanyang pagiging babaero at ayaw na rin niyang ipagtanggol ang sarili niya tungkol dito.
Manood na lamang daw ng show ang mga humuhusga at baka mapalitan ang kanilang impresyon, giit pa nito.

Sa darating na linggo ika-21 ng mayo ay magsisimula na ang reality-travel show na Lakbai sa TV5.

 

Facebook Comments