Team Pacquiao, umalis na papuntang Australia para sa laban nila ni Jeff Horn

127

Manila, Philippines – Bumiyahe na papuntang Brisbane, Australia si fighting senator Manny Pacquiao at team nito kaninang umaga.

Dito ay ginawaran ng pulisya sa pangunguna ni police Supt. Maximo Sebastian ang departure honor para kay Pacman.

Maliban sa team Pacquiao ay kasama rin ang misis nitong si Jinkee, kung saan sila sumakay sa a-330 ng Air Asia.


Unang dumating ng paliparan sina Buboy Fernandez, Freddie Roach kasama sina Sonny Katiangdagho, George Cambusos Jr. at Adrian Young.

Kasama rin sa biyahe ang boxer at pinsan ni Pacquiao na si Junel Dapidran na undercard sa laban nila ni Jeff Horn.

Facebook Comments