Technical School itatayo sa Cotabato city mula sa mga Chinese Investors

Isinagawa noong araw ng sabado ang ground breaking para sa itatayong China Cotabato Friendship Technical School sa barangay Datu Balabaran malapit lang sa Halal Slaughter house na nagkakahalaga ng 300 milyon pesos. Sinabi ni Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi, na donated ng mga Chinese investor ang nasabing Technical School, na malaking bagay para sa mga Cotabatenyo dahil dito sila mag-aaral o magsasanay sa Technical o Vocational school. Inihayag pa ni Mayor Cynthia, na kailangan ang mga technical school para mahasa ang kakayahan ng mga worker..Dito rin magsasanay ang mga gagawa ng malaking proyektong itatayo sa siyudad. Nanguna sa ground breaking ang pinunu ng Chinese investor na si Yu Bin Liu, kasama ang mga Chinese engineer, Mayor Guiani Sayadi, mga department heads, City Council, mga barangay officials, business group, PNP at Army.

Facebook Comments