Techvoc Training sa City of Ilagan, Itutuloy na

Cauayan City, Isabela- Pumayag na si City Mayor Jay Diaz na muling ituloy ang naantalang pagsasanay ng mga nag-aaral sa Technical and Vocational courses sa Lungsod ng Ilagan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, nakatakdang buksan sa ika-8 ng Agosto 2020 ang Manpower Skills Training Program (MSTP) sa pangunguna ng TESDA Isabela.

Nilinaw ni Ginoong Bacungan na pansamantalang para sa mga Ilagueños muna ang naturang programa bilang pagtalima na rin sa mga ipinatutupad na guidelines at protocols ng IATF.


Gayunman, limitado pa rin aniya ang bilang ng mga pwedeng mag face-to-face sa training habang ang iba ay sa pamamagitan ng Modified Blended Learning Delivery System gaya ng Online, Offline at Distance learning.

Dagdag dito, lahat ng mga MSTP Trainers ay magkakaroon muna ng pagpupulong sa Agosto 1, 2020 para sa mga bagong modalities ng kanilang pagsasanay.

Facebook Comments