Teduray Lambangian group sumisigaw din ng hustisya sa nasawing Humanitarian worker

*Nananawagan ngayon ng hustisya ang grupo ng Teduray Lambangian peoples organization sa pagpatay sa humanitarian worker ng ARMM na nasawi makaraang tambangan ng gunman noong sabdo ng hapon sa sitio tenorio barangay Awang DOS Maguindanao.*
*Ayon kay Marcelo Martin ang tagapagsalita ng naturang grupo, na silay nagpulong kamakalawa at nagkakaisang sumisigaw sila ng hustisya para kay Betsy Yap, silay nagpadala narin ng liham kay pangulong Rodrigo Duterte para matutukan ang kaso at mahuli ang suspect pati narin ang mastermind.*
*Naniniwala sila na ang dalawang municipal councilor ang posibleng puntirya ng gunman subalit ang humanitarian worker ang natamaan..Anya pa ang pangyayari ay ilang metro lamang daw ang layo mula sa kampo ng 6th ID.*

Facebook Comments