Temporary travel ban sa Mainland China, Hong Kong at Macau, ipinag-utos na ni PRRD

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng temporary travel ban sa lahat ng mga turistang manggagaling sa Mainland China, Hong Kong at Macau.

Ito ang kinumpirma ni Senador Bong Go sa harap ng banta ng 2019 novel coronavirus.

Aniya – ang desisyon ng Pangulo na magpatupad ng temporary travel ban ay alinsunod sa rekomendasyon ng Department of Health o DOH.


Sakop ng travel ban hindi lang ang mga Chinese kundi lahat ng mga pupunta sa bansa mula China.

Hindi rin papasukin ang mga dayuhang galing ibang bansa pero nanggaling muna sa China sa loob ng 14 na araw bago ang kanyang arrival.

Hindi naman kasamang iba-ban ang Pilipino at holders ng permanent resident visa na inisyu ng gobyerno ng Pilipinas pero kinakailangan nilang sumailalim sa 14-day quarantine.

Facebook Comments